Babak Island: Natatagong Paraiso sa Surigao

12788227_989553267748735_2007219829_n

Kilala ang Surigao Del Norte dahil sa malalakas at matataas na alon nito na matatagpuan sa Isla ng Siargo, na tinaguriang Surfing Capital of the Philippines. Ngunit mayroong nakatagong paraiso sa Surigao na naghahanap ng atensyon sa mga lokal at dayuhan na turista; at eto ang Babak Island!

132930_187639354585635_862752_o

Naalala ko pa nung ako ay 12 anyos pa lamang noong bumisita ulit ako sa Surigao kung saan ako pinanganak at ang probinsya ng aking ina.  At eto ang unang pagkakataon na pumunta ako sa Babak. Maraming karanasan na nangyari roon ngunit dahil bata pa lamang ako at mas gusto ng aking henerasyon ang internet sa kasamaang palad, hindi ko man lamang napahalagahan ang kagandahan at kalinisan ng Babak.

Ang Surigao Del Norte o Hilagang Surigao ay isang lalawigan na matatagpuan sa rehiyon ng Caraga sa Mindanao. Lungsod ng Surigao ang kapital nito.250px-Ph_locator_map_surigao_del_norte

Larawan kinuha mula sa: https://tl.wikipedia.org/wiki/Surigao_del_Norte

Ang mga Tribo ng Mamanwa, ang isa sa mga unang tumira sa Surigao. Ang mga Mamanwa ay nakatira sa Mat-i Tagbasingan, na 15 minuto lamang sa Lungsod ng Surigao.

women-in-PHL-300x200

Larawan kinuha mula sa: http://landofpromise.fairfood.org/the-diverse-people-of-mindanao/

Maari kang sumakay sa habal-habal o tricycle galing siyudad patungo sa Capitol  pa Capalayan at Nabago at sumakay sa bangka o bangkang de-motor patungo sa Babak Island.13habalhabal1-1024x682.jpgLarawan kinuha mula sa: http://blog.8share.com/ph/habal-habal-dapat-mong-malaman-ito/

Ito ang unang pagkakataon na sumakay ako sa bangka namin.

133153_187616094587961_1999066_o.jpg

Dahi hindi pa tourist spot ang Babak ay wala itong mga cottages o hotels na maaring pagtuluyan. Ngunit mayroong mura at magandang matutuluyan sa Surigao katulad ng Gateway Hotel na matatagpuan sa National Highway, Surigao City

547826_14030413490018538350.jpg

Larawan kinuha mula sa: http://www.agoda.com/philippine-gateway-hotel/hotel/surigao-city-ph.html

Kilala ang tribong Mamanwa  sa Bonok-Bonok dance, ginaganap ang Pista ng Bonok-Bonok tuwing buwan ng Setyembre.

Street dances, float, mga pagkain at palahok sa bawat barangay ang ilan sa mga okasyon tuwing mayroong pista rito.

mindanao_girl-196x300

Larawan kinuha mula sa:  http://landofpromise.fairfood.org/the-diverse-people-of-mindanao/

Marami ring matatagpuan na “bakawan” sa Babak.

601405_476756535689244_413418953_n

227808_476743852357179_1854520229_n

Bukod sa pag-eenjoy lumangoy ay mayroon rin kaming fish cage kung saan nagbubuhay at nagpapalaki kami ng mga lobsters na ginawa naming negosyo.

133153_187616097921294_4404024_o200008_476738055691092_680400927_n

Masagana ang isla ng Babak sa mga lamang-dagat. Habang lumalangoy at nilalasap ang kagandahan ng Babak ay maaari karing kumuha ng masasarap na lamang-dagat.

1933417_187628351253402_1944567_o132492_187622147920689_1555842_o

Mayroon ding mga lokal na inumin sa Surigao.

Gigaquit Rum na gawa sa nipa.

Gigaquit Rhum

Larawan kinuha mula sa: http://gigaquitgov.blogspot.com/2007/05/industry.html

Ang tuba ay katas mula sa halamang palmera ng niyog, iroq at iba pang kauri nito.

Toddy_Bottle_and_Glass

Larawan kinuha mula sa: https://en.wikipedia.org/wiki/Palm_wine

Kilala rin ang Surigao sa Kilawin na isda na gawa sa hilaw na isda.Kilawen.jpg

Larawan kinuha mula sa: http://www.lets-go-philippines.com/try-and-enjoy-the-traditional-filipino-dishes-and-cuisine/

Dahil hindi naman dinadayuhan ng mga turista ang Babak ay wala itong mga souvenir shops ngunit kung ikaw ay magagawi sa syudad ng Surigao ay marami kang mabibiling souvenirs na magagamit mo sa hinaharap.

Katulad na lamang ng t-shirt na binili ko nung ako’y pumunta sa Surigao.

12767845_1285174264832133_1821496978_o.jpg

Kaya ko pinili ang Babak na gawan ng blog ay dahil gusto kong maibahagi ang kagandahan ng aking probinsya at para ma i-promote ang Babak bilang tourist spot; dahil kahit hanapin mo sa internet ang Babak Island ay wala kang makikita. nakakalungkot dahil gusting-gusto ko ulit bumalik doon dahil halos 5 taon na akong hindi nakakabalik sa Surigao.

Maraming magagandang lugar sa Mindanao at sana maisip, hindi lamang ng mga dayuhan pati tayong mga Pilipino ang kagandahan at kaayusan ng Mindanao, na hindi puro gera at piligro ang kanilang impresyon tuwing naririnig ang probinsya ng Mindanao. Isang magandang halimbawa itong Babak Island na naghihintay lamang na may makapansin sa natatagong kagandahan nito.

545756_476750812356483_1720476974_n.jpg

Maria Katrina Vanessa L. Duka

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s